Introduction
Welcome to PandanPOS — your pocket Point of Sale (POS) app designed for small stores like sari-sari stores.
With PandanPOS, you can easily track sales, manage products, and record orders using just your phone.
Ihanda ang POS, palaguin ang kita ng sari-sari store!
Ano ang PandanPOS?
Ang PandanPOS ay tumutulong sa mga tindero at tindera na mapadali at maayos na mapalakad ang kanilang tindahan araw-araw.
Sa app na ito, magagawa mo ang mga sumusunod:
- I-record at subaybayan ang benta ng tindahan
- Pamahalaan ang mga produkto at inventory
- Tingnan ang araw-araw na orders
- Mag-download ng sales reports
- Mag-print o mag-generate ng resibo para sa customers
Lahat ng ito ay kaya mong gawin gamit lang ang iyong cellphone.
Manual-Based Products
May mga produkto sa maliit na tindahan na walang barcode (halimbawa: tingi, repacked goods, o gawang bahay na paninda).
May feature ang PandanPOS na tinatawag na Manual-based Product para sa mga ganitong klase ng produkto.
Kapag naka-ON ang Manual-based Product:
- Puwede kang magdagdag ng produkto kahit walang barcode
- Kusang bubuo ang PandanPOS ng Item Code para sa produkto
- Ang nabuong code ay pwedeng gamitin na parang barcode sa loob ng system
Mas pinapadali nito ang pag-manage ng produkto kahit walang naka-print na barcode.
Unang Beses na Paggamit
Sa unang pagbukas mo ng PandanPOS, hihilingin sa iyo na ilagay ang pangalan ng iyong tindahan.
Pagkatapos ilagay ang store name, pindutin ang Next para magpatuloy.
Paghahanda ng Iyong POS
Pagkagawa ng store, gagabayan ka ng PandanPOS na ihanda ang iyong POS sa pamamagitan ng pag-add ng mga produkto.
Para makapagbenta, kailangan mong magdagdag ng hindi bababa sa 3 produkto sa iyong tindahan.
Pindutin ang Add Product at ilagay ang detalye ng produkto tulad ng:
- Pangalan ng produkto
- Presyo
- Barcode (opsyonal)
Kung ang iyong produkto ay walang barcode, i-enable mo lang ang Manual-based Product para kusang bumuo ang PandanPOS ng Item Code.
Pagkatapos magdagdag ng produkto, pindutin ang Done para matapos ang setup.